Lunes, Disyembre 21, 2015

Disaster Risk Reduction Management (DRRM)

Bilang isang estudyante na nasa kolehiyo lahat ay nararapat na kuhanin ang kursong NSTP. Ito ay hindi lamang isang ordinaryong kurso sapagakat napakaraming kaalaman ang maaari mong mapulot mula rito, lalo na ang kaalaman kung papaano ang tumulong at mapagbuti ang sarili.
Noong ika-17 ng Oktubre taong 2015, naganap ang aming seminar/training/workshop/practicals tungkol sa DRRM o Disaster Risk Reduction Management, ito ay tumagal ng higit sa limang oras kaya naman marami rin kaming nakuhang bagong kaalaman na maari naming magmata lalo na sa panahon ng sakuna.

Unang parte, ipinaliwanag samin ang mga salitang may kauganyan sa aming gagawin para sa araw na iyon.
DISASTER o SAKUNA- ang mga resulta ng isang likas o gawa ng tao na kaganapan na nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay, pinsala, at pinsala ng ari-arian, kabilang ang ngunit hindi limitado sa natural na sakuna tulad ng bagyo, buhawi, bagyo, baha, mataas na hangin, at iba pang mga panahon kaugnay na mga kaganapan, at gawa ng tao na kalamidad, kabilang ngunit hindi limitado sa insidente ng nuclear power halaman, mapanganib na mga materyales insidente, langis spills, pagsabog, sibil na abala, pampublikong matinding kapighatian, ang mga kilos ng terorismo, pagalit militar pagkilos, at iba pang mga kaganapan na kaugnay doon;
HAZARDS o PANGANIB - ito ay ang mga pangyayaring maaring makapagdulot ng malaking pagkasira sa buhay ng mga tao at pati na sa kanilang mga ari-arian
RISK - any posibilidad na mangyari ang isang bagay na mayroong hindi magandang maidudulot sa mga tao
DISASTER RISK REDUCTION - ito ang mga gawain o sistema na ginagamit upang mabawasan ang negatibong epekto na maaring mula sa mga sakuna
CAPACITIES - ito ay mga kalakasan na mayroong ang isang komunidad
VULNERABILITIES - ito ay mga kahinaan o masasabing kakulangan ng isang lugar
at marami pang iba.


Kami rin ay gumawa ng mapa at sinulat namin ang katangian ng kanya-kanya naming barangay. (Hazards, Vulnerabilities, Capacities, Actions)
  • Brgy. 51, Caloocan City
  • Brgy. Addition Hills, San Juan City
  • Brgy. Valenzuela, Sta. Rosa, Nueva Ecija
  • Alapan, Imus, Cavity
  • Brgy. Sangan Daan, Quezon City



Ikalawang parte, kami ay naglaro ng Bahay-Tao-Bagyo game na kung saan may dalawang indibdwal na magsisilbi bilang bahay at may isang tao na maghahanap ng masisilungan kapag dumating na ang bagyo, napakamakahulugan ng larong ito sapagkat naturuan nito kaming maging matulungin sa mga taong nangagailangan lalo na sa panahon ng sakuna.

Ikatlong parte, ay ang FIRST AID ito ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taoong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga manggagamot. 


Ika-apat na parte, ang Basic Life Support ito ang aksyon na kinakailangang gawin sa mga biglaang sitwasyon kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng problema sa paghinga. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Cardio Pulmonary Resuscitation. 








         

Napakarami kong natutunan sa loob ng isang oras na maaring makapagsalba ng buhay ng isang tao na nasa panganib  bukod dito natutunan ko rin kung pano makinig ng mabuti, at kooperasyon sa aking kapwa. Lalo na ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad. Habang maaga dapat ay maghanda na tayo sa mga maaaring dumating na sakuna, mainam na ang handa kay sa gagawa lamang ng aksyon kung kailan huli na ang lahat.


BARANGAY VISIT

Barangay Valenzuela
Sta. Rosa 
Nueva Ecija







Ang Barangay Valenzuela ay palaging may handa na mga relief kahit na wala mang bagyo na nagbabadya na tatama malapit sa lugar. Ang kanilang punong barangay ay naniniwala na mas mainam na maging handa bago pa man tumama ang bagyo kaysa maghanda pakatapos tumama ng sakuna sa lugar. Isa rin sa mga proyekto ngayong taon ay ang pagsasa-ayos ng mga drainage system sa buong lugar, upang maiwasan ang pagbabara ng mga basura at mga hindi nais na bagay sa daluyan ng tubig na  nagiging sanhi ng mabilis na pagbaha sa lugar. Ibat ibang proyekto para sa mga mamayan ang isinasagawa sa tuwina para sa kanilang kabutihan gaya ng feeding programs, pamimigay ng mga grocery products, palaro, dental at medical mission at marami pang iba.










KONKLUSYON


Bilang isang mamamayan dapat ay magsilbing leksyon o tanda sa atin lahat ng mga nangyayari sa ating paligid, tulad na lamang ng mga nakaraang bagyo. Dapat ay ihanda natin ang ating mga sarili palagi dahil hindi natin alam kung kailan darating ang mga kalamidad na tiyak na magdudulot ng pagkawala ng ating mga pagaari o maging pati na ang ating mga sariling buhay. Ang lahat ng mga ito ay hindi maiiwasan ngunit mas ayos na kung tayong lahat ay handa sapagkat hindi biro ang epekto ng mga ito sa atin.

Bilang isang Pilipino at mamayan ng aking komunidad tutulong ako sa aking barangay kahit na sa mga simpleng gawain tulad na lamang pagiging volunteer tuwing mag mga isinasagawa silang medical mission, dental mission, feeding at iba pa. Ang pagbibigay din ng maliliit na tulong ay malaking bagay na rin para sa mga taong nangangailangan. 

Huwag na dapat tayo maghintay pa sa susunod na sakuna, sana NGAYON pa lang ay matutunan na nating punan ang ating mga sariling pagkukulang, walang dahilan na magagamit upang hindi makilahok sa mga gawain na mapapakinabangan hindi lamang ng iyong sarili, hindi rin lamang ng iyong pamilya ngunit ang buong komunidad o maari pa maging buong bansa. Huwag nating hayaan na patuloy lamang masira ng mga kalamidad ang ating mga pinaghirapang ari-arian at mas huwag nating hayaang mawala lamang ang buhay ng ating mahal.